May bagong show ang magkasintahang Ella Cruz and Julian Trono.
Pero bago pag-usapan ang kanilang bagong show na Ghost Adventures, kumustahin muna natin kung ano ang pinagkaabalahan nila nitong napakahabang quarantine.
Kumusta naman ang kanilang relasyon? Paano nga ba nila napaghihiwalay ang real-life sa reel-life?
Makikilala pa natin nang husto ang couple na ito sa PEP Challenge natin na "Ako Yun / Hindi Ako Yun" at mabubuko natin kung talagang kilalang-kilala na nila ang isa't isa sa challenge na "How Well Do You Know Each Other."