Heart Evangelista, may gustong i-share mula sa kanyang "Treasure Box"

  • 4 years ago
Habang naghahalungkat si Heart Evangelista sa kanyang collection ng treasure boxes, nakita niya ang isang CD na naglalaman ng mga kantang ini-record niya labinlimang taon na ang nakararaan.

Sa apat na kantang laman ng CD, pinakapaborito niya ang ginawa niyang "Breathe You."

Nagpapaalala raw kasi sa kanya ito ng mga panahon na kakatuntong pa lang niya sa pagiging ganap na babaeng malayang nagdedesisyon para sa kanyang sarili.

Ngayon, after 15 years, gustong i-share ni Heart sa lahat ang kantang may espesyal na meaning sa kanyang buhay. Ire-release niya soon ang "Breathe You" sa October 27

Recommended