Paul Salas on ex Barbie Imperial: "Na-forgive ko naman kung ano man yung mga nagawa niya sa akin."

  • 4 years ago
Sa PEP Exclusives interview ni Paul Salas, naungkat ang tungkol sa nakaraan nila ng ex-girlfriend na si Barbie Imperial.

Ikinuwento ng young actor ang pinagdaanan niyang stress dulot ng kontrobersiyang pinagdaanan niya dahil sa mga akusasyon na ipinukol sa kanya.

Kung hindi raw dahil sa pamilya ni Paul at sa payo't suporta ng kanyang mga kaibigan at ng mismong management niya na PPL, baka hindi raw niya nalagpasan ang episode na yun sa kanyang buhay.

Sabi naman ni Paul tungkol sa kanyang ex-girlfriend: "Na-forgive ko naman kung ano man yung mga nagawa niya sa akin."

Taong 2018 nang magkaroon ng alitan ang magkasintahan noong sina Paul at Barbie.

Nagsimula ang kontrobersiya nang mag-post si Barbie ng mga larawan na nagpapakita ng braso at dibdib na may pasa.

Kasama ng post na ito ang description na: "Girls, just because mahal mo ang isang tao pero sinasaktan kayo physically, hindi pwedeng patuloy yan.

"HINDI TAMA MANAKIT NG BABAE PHYSICALLY."

Binura pagkatapos ni Barbie ang post na ito.

Inulan ng batikos si Paul dahil dito.

Hindi nagsalita ang young actor hinggil sa mga akusasyon, ngunit idinepensa naman siya ng kanyang kaibigan na si Kristoffer Martin na nagsabing, "There's always two sides of the story. Mga naapektuhan wag pavictim."

Ipinagtanggol din ng kanyang mga magulang si Paul at sinabing hindi magagawa ng kanilang anak ang ibinibintang dito.

Ilang buwan pa ang nakalipas bago nagkomento si Paul tungkol sa kanila ni Barbie at ang tanging nasabi lang niya ay "Hindi lang kami nag-work."

Ayon pa kay Paul sa PEP Exclusives interview niyang ito, maayos na sila ngayon ni Barbie.

Para sa full PEP Exclusives interview ni Paul, i-click ang link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=g7JbJ0O1v8Q

#paulsalas #barbieimperial #pepexclusives

Interview: Rose Garcia and Karen Caliwara
Video Producer: Rommel Llanes

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Subscribe to our YouTube channel! https://www.youtube.com/PEPMediabox

Follow us!
Instagram: https://www.instagram.com/pepalerts/
Facebook: https://www.facebook.com/PEPalerts
Twitter: https://twitter.com/pepalerts

Visit our DailyMotion channel! https://www.dailymotion.com/philippineentertainmentportal

Join us on Viber: https://bit.ly/PEPonViber

Recommended