QUARANTOURS: ISLA SA CAMARINES NORTE, GINAWANG QUARANTINE FACILITY!
  • 4 years ago
ISLA SA CAMARINES NORTE, GINAWANG QUARANTINE FACILITY!

"Naisipan itong gawing quarantine facility dahil ito ay malayo sa kabayanan at ito po ay isang isla na walang taong nakatira."

Noong March 31, sinimulang gawing quarantine facility ang Calalanay Island. As of July 23, mayroon ng 29 na locally stranded individuals ang naka-quarantine sa isla. Dahil sa kakaiba nilang sitwasyon, campers ang tawag sa mga naka-quarantine dito.

Pero hindi lang sila naghihintay na matapos ang kanilang 14-day quarantine. Nagsasagawa rin kasi ang kanilang LGU ng camping activities para maging productive ang mga residente.

"Naglilinis ng kapaligiran, nakakapag-swimming sila, at nakakapamingwit."

Tara na't bisitahin ang ipinagmamalaki nilang quarantine facility sa video na ito! #Quarantours
Recommended