QUARANTOURS: MGA AETA SA ZAMBALES, ONLINE SELLERS NA RIN?!

  • 4 years ago
MGA AETA SA ZAMBALES, ONLINE SELLERS NA RIN?!

“Laking epekto po ng quarantine sa amin, dahil ‘yung aming mga produkto ay hindi namin nade-deliver o nabebenta sa bayan, kasi po bawal na po kaming lalabas sa bayan.”

Nang ipagbawal ang non-essential travel sa iba't ibang lugar dahil sa COVID-19 pandemic, isa sa mga labis na naapektuhan ang mga kapatid nating Aeta sa Sitio Yangil, San Felipe, Zambales.

Ang pagkawala raw kasi ng mga biyaherong dumadayo noon sa kanilang lugar, malaking dagok ngayon para sa kabuhayan nila na nakadepende sa lagay ng turismo.

Paano kaya nila sinusolusyonan ang problemang ito? Panoorin sa video! #Quarantours

Recommended