Candy Pangilinan, sinigurado sa bago niyang pelikula: "Hindi ho ako na-f----r dito."
  • 4 years ago
Nang magkatanungan kung ano real-life "tililing" o kabaliwan ng cast ng bagong Viva movie na "Tililing," napag-usapan na rin ng ilan sa cast members ang kanilang role sa movie.

Si Candy Pangilinan na huling napanood sa box-office hit na "Jowable" starring Kim Molina, sinabi agad sa kaharap na press na, "Hindi ho ako na-finger dito."

In reference ito sa eksena nila ni Kim sa "Jowable" kung saan tinanong siya ng character ni Kim ng, "Sister, nagfi-finger ka po ba?"

Naging usap-usapan ito bago ipalabas ang pelikula dahil isang madre ang role ni Candy sa "Jowable" na tinatanong ng character ni Kim kung nagpaparaos ng sarili.

Sa "Tililing" papel naman ng isang hospital intern ang ginagampanan ni Candy. Kasama niya bilang mga interns din si Donnalyn Bartolome at ang introducing sa movie na si Yumi Lacsamana.

Sa usapang-tililing, ini-reveal nina Cai Cortez, Chad Kinis, Donnalyn, Candy, at Yumi kung ano ang ikinatitililing nila. Hindi na nagkuwento pa ang mga bidang sina Gina Pareno at Baron Geisler na nakilala na noon pa bilang mga artistang may tililing talaga.

Kaninong tililing kaya ang pinakamatindi?

#tililing #candypangilinan #barongeisler #ginapareno

Video: Noel Orsal
Edit: Rommel Llanes

Subscribe to our YouTube channel! http://bit.ly/PEPYouTubeChannel

Know the latest in showbiz on http://www.pep.ph!

Like PEP.ph on Facebook! https://www.facebook.com/PEPalerts

Follow PEP.ph on Twitter! https://twitter.com/pepalerts
Recommended