Aired (March 11, 2017): Tunay na makapangyarihan ang pag-ibig dahil minsan nakakagawa ang isang tao ng kasalanan para lang sa minamahal niya. Kagaya na lang ng kuwento ni Edgar Mendoza na umibig sa tatlong babae ng sabay-sabay, hanggang sa mauwi ito sa matinding trahedya na nag-iwan sa kanya ng panghabuhay na pinsala. Paano kaya niya hinarap ang kumplikadong sitwasyon ngayong pati ang mga babaeng inibig niya ay niloko rin siya? Tunghayan ang mala-teleseryeng love story ni Edgar Mendoza sa 'Magpakailanman'