Police Brutality: Babae sa Florida, binugbog dahil sa DUI
  • 9 years ago
Police Brutality: Babae sa Florida, binugbog dahil sa DUI

Maayos naman itong nag-umpisa.

Ang apatnapu't apat na taong gulang na si Christina West ay nagmamanehong lasing, habang may nakasakay na tatlong maliit na bata sa kanyang kotse.

Na-miss niya ang isang pagliko, at tumama siya sa isang stop sign at poste ng ilaw, bago siya bumangga sa isang bahay.

May nag-report ng kaguluhan, at dumating ang pulis. Gumawa sila ng field sobriety test, and ipinasok si Christina sa police car matapos itong i-handcuff.

Sa loob ng police car ay nagawa ni Christina na malusutan ang handcuffs.

Mukhang baguhan ang isang pulis sa eksena, dahil maririnig na tinuturuan ito ng isa tungkol sa pamamaraan ng pag-aresto.

Sa oras na 'to ay pinababa ng pulis si Christina sa kotse, at pumayag siyang magpa-breathalyzer test.

Kinukuwentuhan ni Christina ang mga pulis tungkol sa kanyang asawa, nang bigla silang nagkaroon ng argumento, na nauwi sa bayolenteng sitwasyon.

Idiniin ng pulis ang ulo ni Christina sa hood ng kotse, at isinampa nila ang katawan ng babae sa kalsada. Makikitang idiniin pa ng isang pulis ang kanyang tuhod sa leeg ni Christina.

Makikita natin na malakas ang bagsak dahil nayugyog pati ang kotse.

Bukod sa mga sugat, gasgas at pasa, nasira ang orbital na buto ni Christina, at nangailangan siya ng dalawang operasyon mula nang mangyari ang insidente noong ika-sampu ng Agosto.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended