Isang Audi, nasangkot sa isang mala-pelikulang aksidente sa Switzerland!

  • 9 years ago
Isang Audi, nasangkot sa isang mala-pelikulang aksidente sa Switzerland!

Ang itim na Audi na ito ay wala nang pag-asa. Pero ang mga nakasakay dito ay napakaswerte, dahil sila ay naligtas nang hindi nasaktan, nang nasangkot sila sa isang mala-pelikulang aksidente!

Nangyari ang aksidente noong Biyernes, sa tawiran sa gitna ng France at Switzerland. Ayon sa mga border guards, mabilis ang takbo ng Audi, papalapit sa kanila.

Naka-focus daw ang driver sa kanyang GPS, at hindi napansin ang guardrail. Bumangga ang kotse sa guardrail, at napalipad ito sa ere...napahagis ito sa taas na labinlimang talampakan, rumolyo sa ere, bago lumanding sa lugar na may isang daan at apatnapung talampakan ang distansiya mula sa punto ng impact. Napasagadsad pa ito ng siyamnapu't walong talampakan bago ito tuluyang huminto.

Ang mga nakasakay sa kotse ay tila hindi namalayan ang nangyari, at nakaligtas nang hindi nasaktan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH