Pulitiko sa Taiwan, sinampal ang isang nurse dahil siya raw ay...gutom?!

  • 9 years ago
Pulitiko sa Taiwan, sinampal ang isang nurse dahil siya raw ay...gutom?!

Isang kinatawan ng isang bayan sa Taiwan, sinampal ang isang nars!

Ayon sa ospital kung saan nangyari ang insidenteng ito, hindi nila mapaptawad ang bayolenteng gawain na ito, at suportado nila ang biktima na si Nurse Lee.

Ang 49-year-old na Kinatawan ng LuZhu Township na si Wang Gui Fen, ay sinampal diumano ang isang nars sa Linkou Chang Geng Memorial Hospital. Ito ay dahil hindi raw pumayag ang nars na i-repot ang kondisyon ng ama ni Wang, sa telepono.

Ang pananampal na ito ay nagtulak sa medical staff na ipakita ang kanilang pagsuporta kay Nurse Lee.

Ayon sa Head Nurse, tinawagan ni Wang ang ospital para alamin ang kondisyon ng kanyang ama.

Sinabi raw ni Nurse Lee kay Wang na hindi nila pwedeng pag-usapan ang detalye ng kondisyon ng kanilang mga pasyente.

Pagdating ni Wang sa ospital, sinampal niya si Lee sa harap ng lahat ng tao.

Si Lee ay dinala sa emergency room, at ni-report nito ang mga pangyayari sa pulis.

Hindi raw nagpakita ng pagsisisi si Wang, at inakusahan pa ang ospital na hindi inaalagaan ng maayos ang kanyang ama. Ayon din kay Wang, ay nakatanggap siya ng mga pagbabanta ng blackmail, matapos ang insidente.

Humingi lamang ng paumanhin si Wang, matapos siyang makasuhan ng assault. Umiyak ito ang sinabing nagawa lang niyang manampal dahil sa sobrang gutom; dalawang araw na raw siyang hindi kumakain nang mangyari ang insidente.

Si Wang ay naging Kinatawan ng LuZhu, tatlong taon nang nakalipas. Maari siyang mamultahan ng 1000 hanggang 1,700 US dollars.

Ayon sa Taiwanese Ministry of Health and Welfare, babaguhin nila ang Medical Care Act, para maiwasan ang ganitong pananakit sa medical staff.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/T

Recommended