VIDEO: Kotseng nagkabanggan, nauwi sa malaking away sa China!

  • 9 years ago
VIDEO: Kotseng nagkabanggan, nauwi sa malaking away sa China!

Isang banggaan ng kotse sa isang intersection sa Nanning City, Guangxi Province, ang nauwi sa away sa kalsada sa pagitan ng dalawang grupong nagkabanggaan.

Makikita sa video ang isang babaeng humingi ng tulong, samantalang nagsimulang suntukin at sipain ng dalawang lalaki ang isang lalaki.

Ang mga lalaking nakasakay sa itim na kotse ay naglabas ng mga patpat at pinaghahampas ang driver ng puting kotse nang lapitan niya ang grupo.

Sa gitna ng away, ang boyfriend ng baabeng humingi ng tulong at kumuha ng isang patpat at lumaban hanggang san na-knockout na ang driver ng itim na kotse.

Nang magkaroon muli ng malay ang driver ng itim na kotse, bgla itong nag-iiyak at sinabi sa lalaking may hawak na camera na siya ay inosente.

Nai-record man ng saksi ang mga pangyayari, tinanong pa rin niya ang driver ng itim na kotse kung ano ang nangyari -- kung saan sinabihan siya ng driver na panooring na lang ang kanyang kinuhang video.

Ayon din sa driver ng itim na kotse, ang dalawang tao mula sa puting kotse ay naglabas ng sarili nilang patpat, at binugbog ang mga kasamahan ng driver. Ang buong insidente ay nasa kamay na ng pulis.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended