Estudyante sa Harvard, nag-bomb threat para lang ma-cancel ang kanyang exam!

  • 9 years ago
Estudyante sa Harvard, nag-bomb threat para lang ma-cancel ang kanyang exam!

Sanay nang magkunwaring nagkasakit ang mga estudyante para makaiwas sa mga exams. Pero kung ikaw ay taga-Harvard, hindi uubra ang dahilan na ito.

Kalahating oras bago mag-umpisa ang final exam ni Eldo Kim, ginamit niya ang anonymous email service na Guerrilla Mail at TOR para maitago ang kanyang email -- at nagpadala siya ng bomb threat sa Harvard police!

Dalawampung minute ang nakalipas bago na-evacuate ang apat na building sa Harvard. Na-brief na rin si President Obama, at ang final exam ni Kim ay na-cancel.

Samantala, ang FBI, ATF, US Secret Service, Harvard police, Cambridge Police, Boston Police at Massachusetts State Police ay nagsipunta sa Harvard Yard.

At kinagabihan, ay umamin na rin si Kim sa isang FBI agent.

Si Kim ay miyembro ng dance group na Harvard Breakers, at ayon sa kanyang bio sa isang Harvard website, siya ay isa ring research assistant na pinag-aaralan ang 'partisan taunting.' Hindi naming alam kung ano iyan.

Siya ngayon ay maaring makulong ng limang taon, tatlong taon ng supervised release, at multa sa halagang 250,000 USD. Ang good news? Walang exams. Ang bad news? Lahat ng ito!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended