Apple Store sa Japan, nagbenta ng Fukubukuro gift bags sa Bagong Taon!

  • 9 years ago
Apple Store sa Japan, nagbenta ng Fukubukuro gift bags sa Bagong Taon!

pple store sa Japan, nagbebenta ng Fukubukuro gift bags.

Ang surprise bag sale sa Apple Store sa Japan ang nakaakit ng daan-daang customer, kahit na napakaginaw at nags-snow pa kahapon. Ang surprise bags ay maaring may laman na iPad Air, iPhone 5, Macbook Air o Macbook Pro, kasama ang iba pang maliit na regalo. Ang bawat bag ay binebenta sa halagang 348 USD.

Nagkaroon rin ng ibang New Year's promotions ang ibang mga tindahan, simula noong Huwebes.

Ang MUJI ang nagbenta ng surprise bags sa halagang 10 USD.

Ang tradisyon ng pagbenta ng surprise bags bawat taon, ay itinatawag na fukubukuro sa Japanese. Ito ay nagsimula noong 1907, nan gang Matsuya Department Store ay naglagay ng mga tela sa mga bag at binenta ang mga ito sa bagong taon. Sumunod sa uso ang Matsuzakaya Department Store noong 1911.

Ang ganitong mga promotion ay naging parte na ng kultura at pag-shopping sa Japan.

Ang Fukubukuro bags ay kumalat na rin sa ibang mga bansa, gaya ng Hong Kong.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended