VIDEO: Lalaking nabaril, hindi pinansin o tinulungan ng mga tao sa Michigan

  • 9 years ago
VIDEO: Lalaking nabaril, hindi pinansin o tinulungan ng mga tao sa Michigan

Ang ina ng isang lalaki mula sa Michigan, na makikitang nasaktan habang dinadaanan lang ng mga tao sa isang video, ay nagsalita matapos mahuli ang lalaking bumaril sa kanyang anak.

Si Jheryl Wright ay nagpunta sa convenience store na ito sa Kalamazoo, Michigan, para bumili ng pagkain noong September 20, 2012.

Siya ay binaril ni Clarence Ross, na mabilis na tumakas mula sa eksena.

Ang sumunod na pangyayari ang pinaka-nakakalungkot. Walang pumansin sa nasaktan na si Wright, habang nagdurugo ito sa sahig - maging ang nagbabantay ng tindahan o ibang mga customer. Limang minuto ang lumipas bago may makaisip na tumawag sa 911.

Ito ang masasabi ng ina ng nasawi:

Hindi mapanood ng ina ni Wright ang video kung saan walang tumulong sa kanyang anak -- siya raw ay nasabihan lang na may ganitong video na nakunan.

Matapos niyang barilin si Wright, si Clarence Ross ay tumungo sa Atlanta, kung saan siya ay nahuli makaraan ang limang buwan. Siya ay nahatulan itong nakaraang linggo, at masesentensiyahan itong darating na January 13.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH