VIDEO: Michelle Obama at LeBron James, nag-dunk sa likod ni Dwayne Wade!

  • 9 years ago
VIDEO: Michelle Obama at LeBron James, nag-dunk sa likod ni Dwayne Wade!


Ang First Lady ng US na si Michelle Obama, at ang basketball team na Miami Heat ay gumawa ng isang PSA itong nakaraang linggo, para i-promote ang "Let's Move" campaign, para sa kalusugan ng mga bata sa Amerika.

Sinimulan ito ng First Lady sa pamamagitan ng isang double photobomb, na may assist galing kay LeBron James, at iilang mansanas --

At habang kinakausap ni J. Shuttlesworth ang Coach tungkol sa kabutihan ng pag-inom ng tubig, ay naki-photobomb din si Chris Bosh.

Pagkatapos, ay nag-set-up ng isang hoop si LeBron sa likod ni Dwayne Wade, Ray Allen, at ng coach -- at nag-dunk ng basketball ang First Lady.

Sana ay i-release din ng First Lady ang kopya ng Lebroning video na ginawa niya noong isang linggo!

Para sa mga kids -- kumain ng gulay at prutas, at maging aktibo, kung gusto niyong maging katulad ng mga tao sa video na ito!



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended