NFL, dinedemanda ng mga former players, para sa pagbigay sa kanila ng mga narcotics at drugs!
  • 9 years ago
NFL, dinedemanda ng mga former players, para sa pagbigay sa kanila ng mga narcotics at drugs!


NFL, naakusahan ng pagbigay ng narcotics sa mga dating players!

Walong dating NFL players ang nag-file ng lawsuit laban sa league noong Martes, at sinabing binigyan sila ng NFL ng supply ng narcotics at painkillers, na nauwi sa kanilang mga addiction at long-term medical complications.

Ayon sa lawsuit, nagbigay daw ang NFL ng mga painkillers, anti-inflammatories at sleeping pills, na parang candy lang sa Halloween, para makalarong muli ang mga injured players, kahit na maari itong magkaroon ng long-term health concerns.

Nabali ang leeg at sakong ng Bears Quarterback na si Jim McMahon, pero imbes na magpahinga, ay binigyan siya ng drugs at tinulak pabalik sa field. Siya ay kumuha ng isang daang Percocet sa loob ng isang buwan.

Isang buong season na naglaro ang Bears offensive lineman na si Keith Van Horne, kahit na nabali ang kanyang binti, at limang taon siyang hindi sinabihan tungkol sa pinsala sa kanyang paa. Nang nag-retire ang mga players, ay nawala na rin ang kanilang drugs supply.

Ayon sa lawsuit, unethical ang ginawa ng NFL, na pinalitan ang tamang gamot ng mga pain meds, para magpatuloy na kumita ang NFL. Mahigit limang daang dating players ang sumali sa lawsuit. Naku, bilis -- bigyan ng aspirin si Commissioner Goodell!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended