Former NFL player Aaron Hernandez, pumatay dahil lang sa natapon na inumin!

  • 9 years ago
Aaron Hernandez, pumatay ng dalawang lalake, dahil sa natapon na inumin!

Ang dating NFL tight end na si Aaron Hernandez, na nakakulong na dahil sa isang murder accusation, ay pumatay pa raw ng dalawang lalake, matapos matapon ng isa sa mga ito ang kayang inumin sa isang Boston nightclub.

Ang 24-year-old na si Hernandez, at isang kaibigan ay nasa Cure Lounge nightclub diumano, nang aksidenteng nabangga ni Daniel de Abreu si Hernandez, na natapon ang hawak niyang inumin.

Ngumiti si Abreu, pero hindi siya nag-sorry. Nagalit si Hernandez. Hindi nagkaroon ng komprontasyon. Nagpatuloy sa pag-inom si Hernandez, at pinanood si de Abreu at ang kanyang mga kasamahan.

Pagkatapos, ay kumuha si Hernandez ng 38 revolver mula sa hood ng kanyang SUV. Pag-alis ni Abreu at mga kaibigan niya mula sa club at sumakay sa isang kotse, naka-abang sa kanila si Hernandez.

Huminto si Hernandez sa tabi ng kotseng sakay nila Abreu sa isang red light. Binaba niya ang bintana, tinutukan sila ng baril, sabay sabi, "Yo, what's up now?" na nasundan pa ng racial slur.

At least limang beses na nagpaputok ng baril si Hernandez; ayon sa mga witness, nakarinig sila ng mga click ng baril, na kinakasa pa rin ni Hernandez kahit na ubos na ang kanyang mga bala. Si Abreu, na nagmamaneho, ay nabaril sa dibdib; ang pasahero na si Safiro Furtado ay natamaan sa ulo.

Sinabi diumano ni Hernandez sa kanyang kaibigan, na mukhang nabaril niya ang isa sa ulo, at isa sa dibdib. Siya ay nag-plead ng not guilty.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended