Lasing na pasahero, na hit-and-run matapos iwan ng taxi driver sa kalsada!

  • 9 years ago
Lasing na pasahero, na hit-and-run matapos iwan ng taxi driver sa kalsada!

Ang 64-year-old na Osaka taxi driver na si Kazuo Terai ay iniimbestigahan ng pulis, matapos niyang hayaan na mahulog mula sa kanyang umaandar na taxi ang isang lasing na pasahero.

Ang biktima ay ang 71-year-old na si Yasukatsu Okuda, ng Nara, at ayon sa kanyang asawa, siya ay nakipag-inuman sa kanyang mga kaibigan.

Nag-taxi siya matapos siyang malasing. Habang nakasakay sa umaandar na taxi ay binuksan niya ang pinto para sumuka, at siya ay nahulog! Nagsara ang pinto ng taxi, at ang driver ay nagpatuloy sa kanyang pagmamaneho.

Ang problema, nang nahulog si Okuda, ay nasagasaan siya ng kotseng kasunod ng taxi, at siya ay namatay.

Sa police interrogation ay dineny ng taxi driver ang lahat ng kaso laban sa kanya, dahil hindi niya alam na nahulog ang pasahero, at siya rin ay nagulat nang napansin niya ito. Pero siya rin ay minsang nagkaroon ng issue sa mga pasaherong ayaw magbayad, kaya hindi naming masabi kung paano magtatapos ang kasong ito.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH