Taiwanese na lalaki, nang-kidnap at nang-rape ng dalawang babae sa isang araw!

  • 9 years ago
Taiwanese na lalaki, nang-kidnap at nang-rape ng dalawang babae sa isang araw!

Isang Taiwanese na lalaking may asawa's anak, nang-kidnap at nang-rape ng dalawang babae sa loob ng isang araw!

Isang 35-year-old na Taiwanese na lalaking nagngangalang Yu Zong-Ying, mula sa Yunlin County, ay nang-kidnap at nang-rape diumano ng dalawang babae itong nakaraang linggo.

Si Yu, na may criminal record, ay nahuhuli ng kanyang asawa na gumagamit ng droga noong Sabado, at sinabing iiwan niya si Yu -- na ginantihan raw ang kanyang asawa sa pamamagitan ng pag-rape ng dalawang babae.

Ang unang biktima ni Yu, Sabado ng gabi, ay isang 18-year-old na high school student na nagtatrabaho sa isang park sa Douliu City. Hinatak daw siya ni Yu at tinulak siya sa trunk ng kanyang kotse. Tumungo si Yu sa isang motel, at ni-rape ang dalaga. Pagkatapos ay binaba niya ang babae sa isang malapit na lugar.

Kinabukasan, sadyang nakabangga ni Yu ang isang 23-year-old na kindergarten teacher, na nakasakay sa kanyang scooter pauwi. Hinatid ni Yu ang teacher sa motel at inasulto ito. Lumaban ang teacher, at sinaktan siya ni Yu. Bago pinasok ni Yu ang teacher sa trunk ng kotse, tinakpan niya ang ulo ng teacher sa pamamagitan ng kanyang jacket. Bagamat nasaktan at takot ang teacher, naisipan pa rin niyang kumuha ng ebidensiya laban sa suspect.

Nakahanap ang teacher ng resibo mula sa isang convenience store sa loob ng jacket ni Yu, at kinuha niya ito. Matapos iwanan ng suspect ang teacher sa isang kalsada, may nagmabuting loob na nagdala sa teacher sa ospital. Salamat sa resibo, at sa surveillance video, nasundan ng pulis ang suspect sa Douliu, at nahuli nila itong gumagamit ng droga sa loob ng motel.

Umiyak si Yu sa police station, at sinabing ang kanyang mga krimen ay dala ng mabigat na stress, at siya ay gumamit lang ng droga matapos siyang mawalan ng trabaho. Desperado daw siya at nasaktan siya nang sinabi ng asawa niya na iiwan siya nito.

Ipinagtanggol si Yu ng kanyang mga kaibigan at sinabing mahal ni Yu ang kanyang pamilya, at panay ang post ng mga litrato nila sa mga social networks.

Si Yu ay naaresto para sa kasong crime against sexual autonomy.

Para naman sa staff ng motel, na hindi napansin ang pangkikidnap at pangre-rape na naganap sa motel, hindi pa natin alam kung sila ay maaring makasuhan ng negligence. Ayon sa staff, ay wala daw silang narinig na kahit na ano.

Ayon sa pulis, naligtas ng babaeng teacher ang kanyang sarili, at nahuli ang suspect, dahil mabilis siyang nakapag-isip, at nagawa niyang manatiling kalmado sa isang marahas na sitwasyon.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended