Babae, pinahawak ang dibdib sabay kinasuhan ng sexual harassment ang boss

  • 9 years ago
Babae, pinahawak ang dibdib sabay kinasuhan ng sexual harassment ang boss

Isang babaeng tea grower sa Taichung, Taiwan, ang sinubukang linlangin ang kanyang boss sa pamamagitan ng isang pekeng sexual harassment claim.

Dalawang taon nang nakalipas, nang ang babae at kanyang asawa ay nakipag-away kay Mr. Liu, ang may-ari ng tea garden, kung saan sila'y nagta-trabaho.

Tinaggal ni Liu ang water heater sa kanilang dorm sa sobrang galit, at dahil ditto ay hindi makapag-shower ang kanyang mga employado.

Hindi natuwa ang mag-asawa, at mas lalong lumaki ang kanilang away.

Ayon sa babae, ang kanyang lasing na boss ay tinulak daw siya, at sa harap ng lahat ng tao ay hinawakan ang kanyang dibdib!

Pero si Liu ay sinet-up lang pala ng babae. Ayon kay Liu, habang sila ay nag-aaway, sinigawan daw siya ng babae, at hinamon siya na hawakan ang kanyang dibdib. Pagkatapos, ay hinatak ng mag-asawa ang mga kamay ni Liu, at pinilit siyang hawakan ang dibdib ng babae.

Kinampihan ng prosecutor si Liu, at napawalang-bisa ang kaso ng panghihipo.

Sa ospital ay nagreklamo ang babae na masakit raw ang kanyang kaliwang dibdib. Pero sa police station, ay sinabi niyang hinawakan ni Liu ang kanyang kanang dibdib. At dahil niyaya niya si Liu na hawakan ang kanyang boobs...walang silang kaso.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended