Bagong negosyo sa Taiwan: sexy bikini girl car wash!

  • 9 years ago
Bagong negosyo sa Taiwan: sexy bikini girl car wash!


Heto ang isang racket na mapagkakakitaan: Isang tagginaw na bikini girl carwash!

Walang lalaking nasa tamang pag-iisip,at interesado sa babae, ang makakapagsabing hindi nila gustong makitang hinuhugasan ng seksing babaeng naka-bikini ang kanilang mga kotse.

Ito ang negosyo ni Fang Shao-Ze, isang sikat na race car driver sa Kaohsiung, Taiwan! Kailan lang ay nagbukas si Fang ng isang car wash, at ang kanyang strategy sa pag-akit ng mas maraming customer, ay ang mga sexy bikini girls na ito!

Ayon kay Fang, ito ang hinahanap niya sa mga bikini girls para sa kanyang car wash: dapat ay lampas 165 centimetres ang tangkad, ang boobs ay dapat na nasa Asian D cup -- at least -- at may cute na mukha.

Ang mga car wash girls ni Fang ay kailangang magtrabaho ng anim na oras bawat araw, anim na araw sa isang linggo. Ang kanilang sweldo ay nasa 1,988 USD sa isang buwan.

Ayon pa kay Fang, ang kanyang mga car wash girls ay hindi lang nakakaakit ng mas maraming lalaking customer, sila rin ay mas maingat kaysa sa mga lalaking car washers.

Sa loob ng isang araw, ay nakakatanggap si Fang ng dalawampung tawag mula sa mga babaeng gustong magtrabaho para sa kanya. Pero ang trabahong ito ay hindi para sa lahat ng tao. May mga aplikanteng hindi kuntento sa bayad, dahil sila ay kailangang magsuot ng bikini sa maginaw na panahon.


Sa isang interview, sinabi ng isang babae na ang mga car wash girls ay napipilitang gamitin ang kanilang katawan para mang-akit ng mga customers, at kailangan rin nilang maghugas ng mga kotse. Muhang mahirap na trabaho ito.

Ayon sa gobyerno ng Kaohsiung, ang requirements na binanggit ni Fang para sa mga car wash girls ay maaring labag sa employment discrimination laws sa Taiwan.

Para naman sa mga netizens, marami sa kanila ang nagpo-post sa internet at sinasabing gusto nilang puntahan ang car wash, para makita nang personal ang mga sexy car wash girls.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended