Sam Berns, 17, namatay dahil sa premature aging disease na progeria

  • 9 years ago
Sam Berns, 17, namatay dahil sa premature aging disease na progeria


Ito si Sam Berns, na namatay noong January 10, sa edad na 17 years old, dahil sa isang napaka-bihirang sakit na progeria, kung saan napapabilis ang pagtanda ng mga tao.

Si Sam ay kaisa-isang anak ni Scott Burns at Leslie Gordon, at isang taon pa lang siya nang siya ay na-diagnose ng progeria -- isang kasakitan na wala pang nakakaalam noon.

Dahil trained pediatricians ang kanyang mga magulang, ang kanilang pag-research ng epektibong treatments para sa kasakitang ito, ang nagbigay ng major breakthrough sa industriya.

Ang kondisyon na ito ay isa sa pinaka-bihira sa buong mundo; maraming naniniwala na may 250 cases nito sa buong mundo.

Ang mga taong may progeria ay nabubuhay lamang ng labing-tatlogn taon, ay namamatay sa pamamagitan ng heart attack o stroke.

Bago siya mamatay, si Sam ay balak na mag-apply sa college, kung saan siya ay mag-aaral sana ng genetics o cell biology. Naiwan niya ang kanyang mga magulang, at lolo't lola.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH