Russian na babaeng kinasal sa Chinese, napagod sa Chinese New Year holiday!

  • 9 years ago
Russian na babaeng kinasal sa Chinese, napagod sa Chinese New Year holiday!


Si Oriya ay isang 25-year-old na babae mula sa Russia, na pinakasalan ang isang Chinese na lalaki noong 2012. Itong taon ang kanyang kauna-unahang Chinese New Year holiday, kasama ang pamilya ng kanyang asawa.

Umuwi ang mag-asawa sa inner Mongolia para sa holiday, at akala ni Oriya ay pwede siyang mag-relax dahil nga ito ay holiday.

Mali! Ang Chinese New Year holiday ay ang panahon kung saan napaka-busy ng lahat ng miyembro ng Chinese na pamilya!

Noong Chinese New Year's Eve, kinailangang gumising ng maaga nitong si Oriya, para tumulong sa pagluto sa kusina, sa paghanda ng isang napakalaking reunion dinner. Kalahating araw lang naman ang kinailangan para gawin ito!

Pagdating ng dinner, ang kanyang mga in-laws ay panay bigay sa kanya ng pagkain, at inasahan nila na uubisin ni Oriya ang lahat ng pagkain na nasa kanyang tasa.

Patuloy ang food marathon sa mga sumunod na araw, habang dinalaw ni Oriya at ng kanyang asawa ang iba pa nilang mga kamag-anak sa China, at sila rin ay bumisita sa mga templo.

Para kay Oriya, mas nakakapagod pa ang Chinese New Year kaysa sa kanyang trabaho, per nag-enjoy pa rin siya. Hindi nga naman niya matatawag na Chinese wife ang kanyang sarili kapag hindi pa niya nararanasan ang Chinese New Year holiday!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH