Model Chisato Suzuki, nahuling nagnanakaw sa shopping mall sa Japan!

  • 9 years ago
Model Chisato Suzuki, nahuling nagnanakaw sa shopping mall sa Japan!


Isang Japanese na modelo ang naaresto noong Huwebes para sa pag-shoplift sa isang shopping center sa Mizuho, Japan.

Ang 28-year-old na si Chisato Suzuki, ay madalas na ma-feature sa Koakuma Ageha, isang lifestyle magazine na para sa mga babae.

Si Suzuki at isa niyang kasamahan ay nahuli ng isang shoo assistant, habang sila ay nagnanakaw ng mga kurtina, at iba pang mga kagamitan na mahigit sa halagang 1,500 USD.

Noong 2012, si Suzuki ay pumasok sa showbiz, gamit ang pangalang Takeda Anri, at nagsinungaling sa publiko tungkol sa kanyang edad --- siya raw ay 23 years old.

Sa isang TV interview, sinabi niya na siya ay 18th descendant ni Takeda Shingen, isang importante at kilalang military commander sa Japan.

Pero naglabas ng statement ang mga tunay na descendant ni Takeda, kung saan sinabi nilang nagsisinungaling si Suzuki. Hindi nagtagal, ay lumabas na rin ang tunay na edad ng modelo.

Dahil sa kanyang pagsisinungaling, ay nakilala nang husto si Suzuki. At ngayon ay mas lalo pa siyang makikilala, dahil sa kanyang pagnanakaw.

May masasabi ba kayo tungkol sa kanya? Mag-iwan ng comments.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended