VIDEO: Turista, hinabol ng isangkatutak na kuneho sa Rabbit Island, Japan!

  • 9 years ago
VIDEO: Turista, hinabol ng isangkatutak na kuneho sa Rabbit Island, Japan!



Sinong may ayaw sa bunny stampede?

Isang malaking grupo ng kuneho ang naghabol sa isang babaeng naglalakad sa kalsada sa Japan, at ikinatuwa raw ito ng babae.

Ang turista, na galing sa Hong Kong, ay nagpunta sa Rabbit Island ng Japan.

Tinakbuhan niya ang mga kunehong nanggaling sa iba't ibang direksiyon, na malamang ay gustong kunin ang pagkain na nasa bag ng babae.

Kinunan ng asawa ng babae ng video ang mga pangyayari, na in-upload ng babae, at mabilis na kumalat sa internet.

May mga nag-report sa news na natakot daw ang babae sa mga kuneho, at kinailangan silang i-email ng babae, para maiklaro ang istorya.

Ang Rabbit Island na Okunoshima, at minsang ginamit bilang isang sikretong army base, na gumagawa ng poison gas noong Wolrd War II. Ngayon, ito ay bahay ng Poison Gas museum.

Ang mga kuneho ay dinala sa Rabbit Island matapos ang giyera, nang ang lugar ay ginawang island park.

Ilegal ang pag-hunt ng mga kuneho sa park; at bawal ang mga pusa at aso dito.

Dahil walang natural predators sa island, nagkalat ang mga kuneho sa park. At para sa mga ito, ang pagkain na nasa loob ng bag ng turista at hindi nila matiis!

Ito ba, para sa inyo, at nakakatuwa o nakakatakot?


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended