Deer hunter sa Florida, binaril ang isang lalaking napagkamalan niyang usa!
  • 9 years ago
Deer hunter sa Florida, binaril ang isang lalaking napagkamalan niyang usa!



Kung kayo ay pupunta sa may gubat, ay kailangan niyong mag-ingat...

Dahil Deer Hunting season ngayon sa Florida!

Para sa mahilig mag-hunt, gaya ni Michael Trott,
Hindi naging maingat ang nature lovers na si Clint Galentine at ang kanyang kaibigan.

Si Galentine at ang kanyang kaibigan ay naglalakad sa Oakridge Trails ng Hillsborough Wildlife Management Area, kung saan naghahanap sila ng mga pabo na maaring kunan ng litraro.

Doon sila napagkamalang usa ni Trott.
Dalawang beses binaril ni Trot tang inaakala niyang usa, na tao pala!

Pinagtulungan ni Trott at ng isa pang lalaki na pigilan ang pagdugo ng dalawang tama kay Galentine, bago siyanadala sa ospital.

Swerte ni Galentine, at siya ngayon ay nagpapagaling sa ospital. Iniisip rin niya malamang,
kung paanong napagkamalan ni Trott na usa,
ang dalawang lalaking gumagawa ng ingay ng pabo?



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended