Hailey Owens, 10, kinidnap at pinatay ni Craig wood, 45, sa Springfield, Missouri

  • 9 years ago
Hailey Owens, 10, kinidnap at pinatay ni Craig wood, 45, sa Springfield, Missouri



Isang lalaki sa Springfield, Missouri, ang naaresto sa pagpatay diumano ng isang sampung taong gulang na babae na kanyang kinidnap, Martes ng gabi.

Ang 45-year-old na si Craig Wood, isang seventh grade football coach sa Pleasant View Elementary and Middle School, ay nakitang nagmamaneho ng isang 2008 gold Ford Ranger pabalik-balik sa West Lombard Street, bago siya huminto para kausapin ang batang babae, na naglalakad pauwi.

Ayon sa mga saksi, si Hailey Owens ay patuloy na naglakad nung una, pero nag siya ay napahinto, ay hinatak na siya ni Wood papasok sa truck, at nagmanehong paalis. May mga saksi na hinabol ang truck, pero nakatakas pa rin si Wood.

May saksi na nakakuha sa license plate ni Wood, at pinuntahan ng pulis ang bahay ni Wood, kung saan nakita nilang nakauppo ito sa kanyang naka-park na kotse, habang may hawak na duct tape.

Si Wood ay inaresto ng pulis, at kinabukasan, hinalungkat ng mga imbestigador ang kanyang bahay, kung saan natagpuan nila ang mga bote ng bleach sa basement -- pati na rin ang katawan ng isang batang babae na binaril sa ulo, nakabalot sa mga plastic bag.

Naniniwala ang police na ang batang babae ay si Hailey Owens, pero hindi pa naisasagawa ang autopsy para makumpirma ito.

Kahit na si Wood ay nagtrabaho sa isang eskuwelahan, hindi ito ang eskuwelahan ng biktima, at walang nalalamang koneksiyon sa pagitan ng suspect at biktima.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH