Taiwanese tour guide, nag-iwan ng tae sa hotel sa Taitung, Taiwan!

  • 9 years ago
Taiwanese tour guide, nag-iwan ng tae sa hotel sa Taitung, Taiwan!



Taiwanese tour guide, nag-iwan ng masamang 'tip' sa isang hotel.

Isang Taiwanese tour guide ang nag check-in sa isang hotel sa Taitung, Taiwan, kasama ang isang kaibigan at aso.

Pinakita niya sa hotel ang kanyang tour guide license at humingi ng discount. Binigyan siya ng 40 percent discount ng hotel.

Matapos niyang mag-check-out kinabukasan, nagulat ang housekeeping ng hotel, dahil nag-iwan ang tour guide ng TAE sa gitna ng kama! Baka kasi hindi siya nakuntento sa discount?

Tinapon ng hotel ang kama at bed sheets, at sinigurado nilang wala nang mabahong amoy ang kuwarto bago nila ito muling pinaupa sa customer.

Hiniling ng hotel na sabihan sila ng mga turista sa counter kung hindi sila natuwa sa serbisyo, imbes na maglabas ng sama ng loob sa mga kuwarto.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended