L'Wren Scott, fashion designer at girlfriend ni Mick Jagger, nagpakamatay sa NYC!

  • 9 years ago
L'Wren Scott, fashion designer at girlfriend ni Mick Jagger, nagpakamatay sa NYC!


Fashion designer L'Wren Scott, nagpakamatay sa loon ng kanyang apartment.

Ang fashion designer, stylist, at dating model na si L'Wren Scott -- na longtime girlfriend din ni Mick Jagger -- ay natagpuang patay sa kanyang New York apartment, at ito raw ay isang suicide.

Ang Amerikanang designer ay nag-text sa kanyang assistant, Lunes ng umaga, at pinapunta ito sa kanyang bahay. Pagdating ng assistant, alas diyes ng umaga, natagpuan nito ang katawan ni Scott.

Ayon sa ebidensiya, gumamit ang 49-year-old ng isang itim na satin scarf para magbigti mula sa L-shaped na hawakan ng French door, na papunta sa balcony ng kanyang bahay.

Pinagsususpetyahan na nagpakamatay si Scott, dahil nalubog siya sa utang, dala ng mga problema sa kanyang fashion company.

Ayon sa kanyang mga kaibigan, dinistansiya daw ni Scott ang kanyang sarili sa lahat, at iniwasan ang mga tawag sa telepono, itong huling linggo.

Kumakain ng dinner si Mick Jagger sa Australia, nang nabalitaan niya ang pagkamatay ng kanyang girlfriend. Dahil dito, ay na-postpone ng Rolling Stones ang kanilang tour.

Si Scott, na may 6'3" ang tangkad, ay sinimulan ang kanyang career bilang isang modelo, bagi siya naging isang stylist at designer.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended