New Orleans Saints Darren Sharper, nakasuhan ng rape sa limang estado sa US!

  • 9 years ago
New Orleans Saints Darren Sharper, nakasuhan ng rape sa limang estado sa US!


Darren Sharper, naaresto, naakusahan ng pag-rape ng siyam na babae sa limang estado sa US.

Si Darren Sharper, dating New Orleans Saints safety at NFL analyst para sa NFL Network, ay naaresto sa Los Angeles.

Siyam na babae, sa limang estado sa US, ang inaakusahan si Sharper ng pag-drug at rape sa kanila. May pattern diumano si Sharper sa kanyang mga krimen, na nabanggit ng lahat ng kanyang accusers at biktima.

Si Sharper, na minsan ay may accomplice, ay nakikilala ang mga babae sa mga bars o parties.

Kilala si Sharper bilang miyembro ng NO Saints Super Bowl Team.

Inimbita niya ang mga babae sa isang kuwarto, at binigyan ang mga ito ng inumin na may Ambien.

Ayon sa isa sa mga accusers, ang inumin at agad na nagpahina at nagpaantok sa kanya.

Ayon sa isang New Orleans warrant, umamin pa si Sharper sa pag-rape sa walang malay na babae.

Siya ay kakasuhan sa Florida, Louisiana, Arizona, Nevada, at California.

Habang pinag-uusapan ng mga estado ang trial dates at extradition sa lahat ng jurisdictions kung saan siya ay wanted na kriminal, ay nananatili sa isang Los Angeles jail si Sharper.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH