'Human Barbie' Valeria Lukyanova, ganito ang itsura kapag walang makeup!

  • 9 years ago
'Human Barbie' Valeria Lukyanova, ganito ang itsura kapag walang makeup!

Barbie sa tutoong buhay, ipinakita ang kanyang tunay na kulay!

Kailan lang ay ipinakita ni Valeria Lukyanova ang kanyang tunay na itsura, sa mga selfies na kanyang ipinost sa Facebook.

Ang mga litratong ito ay ibang-iba sa kanyang tipikal na itsura, na may makapal na makeup at mala-plastik na kutis --- dahilan kung bakit siya nga ay kilala bilang 'human Barbie doll.'

Mahirap man paniwalaan, pero mukhang gustong gumawa ng positibong statement ang human Barbie, tungkol sa natural na kagandahan ng mga kababaihan.

Gusto niyo bang malaman kung paano niya name-maintain ang kanyang payat na katawan?

Noong Pebrero, sinabi niya na ilang linggo na siyang hindi kumakain.

At umaasa siyang makaabot sa stage kung saan kaya niyang mabuhay sa hangin at liwanag lamang.

Ayon sa mga new agers, ang diet na ito ay tinatawag na breatharianism.
Ayon sa mga monks, ito ay fasting.
Ayon sa mga nutritionists, ito at anorexia.

Tinawag ng GQ na 'racist space alien' si Valeria, dahil sa kanyang mga sinabi tungkol sa mga interracial families.

Speaking of families, mukhang hindi rin balak magpakasal ni Barbie kay Ken.

Hindi man siya isang mabuting modelo para sa susunod na henerasyon ng mga kabataan, ay nakuha niya ang atensiyon ng henerasyong ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended