Selfie video ng nawawalang babae, pinakita kung paano siya nawala - at namatay

  • 9 years ago
Selfie video ng nawawalang babae, pinakita kung paano siya nawala - at namatay


Video message mula sa nawawalang babae, natagpuan sa isang cell phone!

Dalawang taon nang nakalipas, mula nang nawala si Brenda Lea Salas -- at ngayon, ang misteryosong insidente ay may bagong pag-asang malutas!

Si Mike Zeyen at ang kanyang pamilya ay nagbakasyon itong Easter, kung saan naghanap sila ng mga fossils sa West Mesa, malapit sa Albuquerque, New Mexico.

Nakahanap sila ng mga buto, na may kasamang sapatos, damit, at buto ng panga...ng tao.

Bago nagtawag ng pulis si Mike, ay napansin niya ang isang cellphone sa tabi ng mga buto, at ito ay may laman na video na nagpapaliwanag sa mga nangyari.

Ang video ay si Salas, na ni-record ang kanyang sarili, at sinabing dalawnag araw na siyang naliligaw.

Nga-away sila ng kanyang boyfriend sa labas ng isang Walmart, malapit sa Rio Rancho noong June 2012.

Nagmaneho siyang paalis, pero nang na-stuck ang kanyang sasakyan sa isang dirt road, naglakad siya para maghanap ng tulong.

Dalawang araw siyang naligaw sa disyerto, bago niya ni-record ang video. Pagtagal, ay namatay si Salas. At kahit na nagsagawa ng extensive search efforts ang mga awtoridad, dalawang taon ang nakalipas bago natagpuan ng nagbabakasyon na pamilya ang kanyang katawan.

Naniniwala ang mga imbestigador na walang foul play na sangkot sa pagkamatay ni Lea Salas.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended