Babae sa NYC, binaril ang isang gunman na pinatay ang kanyang anak - dahil lang sa parking spot!

  • 9 years ago
Babae sa NYC, binaril ang isang gunman na pinatay ang kanyang anak - dahil lang sa parking spot!


Isang ina sa New York, binaril ang isang gunman na pinatay ang kanyang anak!

May mga magulang na mahilig magsabing kaya nilang harangin ang bala na tatama sa kanilang mga anak, pero talagang nakahanda ang isang ina sa Queens, New York, matapos mabaril ang kanyang anak, sa harap niya, dahil lang sa isang away dahil sa isang parking space.

Si Darrell Lynch at ang kanyang ina, ay naglalakad papunta sa kanyang SUV, Martes ng gabi.

Nilapitan sila ng isang gunman, na nag-open fire, at nabaril si Lynch sa hita.

Pinutol ng bala ang kanyang femoral artery, at nawalan siya ng maraming dugo.

Dito napansin ng kanyang ina na si Carolyn Dixon, na nabitawan ng kanyang anak ang kanyang baril...

Kinuha niya ito, at pinagbabaril ang gunman, na nagpahabol pa.

Nasugod man ang 24-year-old na si Lynch sa ospital, ay hindi pa rin siya naligtas, at siya ay namatay.

Ang gunman ay hindi pa nahuhuli o naaaresto.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended