Turkish na lalake, inamin sa isang TV dating show, na pinatay niya ang dalawa niyang dating asawa!

  • 9 years ago
Turkish na lalake, inamin sa isang TV dating show, na pinatay niya ang dalawa niyang dating asawa!


Turkish na lalake, inamin na sya ay murderer -- sa isang TV dating show!

Isang 62-year-old na contestant sa isang Turkish dating show, ang pinaalis sa set, matapos niyang aminin na pinatay niya pareho ang kanyang dating asawa, at dating lover, habang dinidiin na siya ay isang "honest person looking for a new wife." Yikes!

Ito ang kanyang kuwento:
Noong siya ay 17, pinakasalan ni Sefer Calinak ang kanyang unang asawa, na isa rin niyang pinsan.

Ayon kay Calinak, nagkalayuan sila ng loob, makalipas ang limang buwan. Nag-alala si Calinak nab aka interesado ang kanyang asawa sa ibang lalake, kaya pinatay niya ito.

At mukhang ang 'good behavior' ay sineseryoso nila sa Turkey. Apat at kalahating taon pa lang nakukulong si Calinak, ay nakalaya na siya, kahit na siya ay nasentensiya ng 14 years in prison.

Paglabas niya mula sa bilangguan, nakahanap siya ng isa pang babae na pumayag na magpakasal sa kanya, ay sila ay nagkaroon ng dalawang anak.

Hindi siya nakuntento sa kanyang buhay, at nagkaroon pa siya ng affair kasama ang isang babae. Na sinasabi niyang aksidente niyang napatay, gamit ang isang palakol.

Salamat sa kanyang kuwento, ay natanggal siya mula sa show, at ang na-trauma na audience ay hindi na natakot para sa kanilang buhay.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended