Lalaking maninilip, nahuli dahil ginamit ang flash sa pagkuha ng litrato ng naliligong babae!

  • 9 years ago
Lalaking maninilip, nahuli dahil ginamit ang flash sa pagkuha ng litrato ng naliligong babae!


Isang lalake ang naaresto ng pulis sa Fujian Province, China, itong linggo -- matapos siyang mahuli ng isang kapitbahay na kinukunan niya ng mga hbad na litrato, habang ito ay naliligo.

Ang lalaking si Yu ay napansin diumano ang isang crack sa pader ng isang shared toilet sa kanyang apartment building sa Fuzhou.

Gamit ang kanyang mga daliri, pinagtatanggal ni Yu ang parte ng pader ng ilang araw, hanggang sa nakagawa siya ng butas, kung saan nakikita niya ang isang shower sa kabilang panig ng communal bathrooms.

Sikretong kumuha ng mga litrato ang 26-year-old na si Yu, habang naliligo ang kanyang kapitbahay na babae.

Hindi pa sana siya mahuhuli, kung hindi niya nakalimutang patayin ang flash sa kanyang phone camera. Tanga!

Tumakas siya mula sa eksena, matapos siyang mahuli ng babae, pero nahulog niya ang kanyang telepono sa eksena. Tanga talaga! Nang nakita ng babae ang mga hubad niyang litrato sa telepono, ay ini-report niya ang insidente sa pulis.

At kahit na nai-seal na ng landlord ang butas sa pader, ay nagdesisyon pa rin ang babae na maghanap ng bagong matitirhan.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended