Nawawalang University of Cincinnati student, natagpuang patay at nakabigti sa isang basement!

  • 9 years ago
Nawawalang University of Cincinnati student, natagpuang patay at nakabigti sa isang basement!

Ang Bearcat student na isang linggo nang nawawala ay natagpuang patay.

Si Brogan Dulle ay nawawala, mula nang siya ay umalis sa isang pizza bar, alas tres ng madaling araw, noong May 18.

Matapos siyang mawala, ay nagsimula na ang search efforts, kung saan daan-daang mga tao ang naghanap sa kanya, sa paligid ng East McMillan Street, kung saan siya ay huling nakita.

Isang linggo matapos siyang mawala, isang lalaking nagche-check ng building sa tabi ng building kung saan nakatira si Dulle ang nakapansin ng kakaiba sa basement, at nagtawag ng pulis.

Nadiskubre ng pulis na inakyat ni Dulle ang isang fire escape, binasag at pinasok ang isang bintana, at tumungo sa basement, kung saan siya ay nagpakamatay. Si Dulle ay 21 years old, at wala siyang iniwang suicide note.

Nag-issue ng statement ang pamilyang Dulle, at sinabing sila ay heartbroken, at nagpapasalamat sa Cincinnati community para sa kanilang pag-aalala at pagtulong sa paghanap kay Brogan.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended