Justin Bieber, nagkuwento ng racist joke na puro N-bomb sa isang 2011 video!

  • 9 years ago
Justin Beiber, binanggit ang N-word, habang nagkukuwento ng isang racist joke sa isang video!

Nakakaranas ng backlash si Justin Bieber, matapos lumabas ang isang video, kung saan nagkukuwento ng isang racist joke ang Canadian pop star, na ilang beses na binanggit ang N word.

Ang footage ay kinunan diumano sa filming ng "Never Say Never" documentary noong 2011. Ito ay ayon sa Sun newspaper, na ini-release ang video.

Makikita si Bieber sa videom na tinanong ang grupo ng kanyang mga kaibigan, "Why are black people afraid of chainsaws?"

Ang punchline: "Run," na nasundan ng maraming N-bombs, at may kasama pa itong mga sound effect ng chainsaw.

Ayon sa Sun newspaper, sinubukang bilhin ng representatives ni Bieber ang video, para hindi ito ma-release.

Nag-issue ng apology ang singer, pero ang dapat niyang gawin ay tawagan si Donald Sterling. Heto o, meron kaming bagong joke: "Why is Justin Beiber afraid of black people?"



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended