VIDEO: Pulis sa El Paso, napa-walang-sala sa pag-execute sa naka-handcuff na si Daniel Saenz!

  • 9 years ago
VIDEO: Pulis sa El Paso, napa-walang-sala sa pag-execute sa naka-handcuff na si Daniel Saenz!


Pulis sa Texas, in-execute ang isang naka-handcuff na lalake!

Napiltang i-release ng siudad ng El Paso ang video ng pagbaril at pagpatay sa isang naka-handcuff na lalake.

Ang biktima ay isang amateur bodybuilder sa El Paso na nagngangalang Daniel Saenz, at siya ay nabaril at napatay ng El Paso PD police officer na si Jose Flores noong March 8, 2013. Ito ang ikatlong fatal law enforcement shooting sa El Paso, sa loob ng tatlong buwan, at ikalawang deadly shooting ng isang police officer sa loob lamang ng isang linggo.

Napawalang-sala ng isang grand jury si Flores sa pagkamatay ni Saenz, pero ngayon ay pinilit ng Texas Attorney's Office na i-release ng El Paso PD ang security video na ito, na nagpapakita kung ano ang tunay na nangyari noong araw na iyon.

Si Saenz, 37 years old, ay naaresto sa araw na iyon dahil sa pag-asulto niya sa isang off-duty police officer sa isang local medical center, kung saan, ayon sa reports, siya ay nagpakita ng kakaibang pag-uugali.

Ililipat dapat siya mula sa downtown jail papunta sa ospital, matapos niyang maumpog ang kanyang ulo sa isang pintuan, at nasaktan. Sa pagsagawa ng transfer nangyari ang kanyang pagkamatay.

Si Officer Flores at isa security guard ang nagkaladkad kay Saenz palabas, kung saan nila ito kinausap.

Nang hinila nila si Saenz patayo, ay nag-struggle ito. Nahulog siya sa sahig, at pilit siyang pinanatili sa sahig ng dalawang lalake, habang patuloy sa paglaban si Saenz. Makikitang inuuntog ni Saenz ang kanyang ulo sa sahig, habang pinipigilan siya ng guard.

Mukhang concerned si Flores at ang guard, na malilipat ni Saenz ang naka-handcuff niyang mga kamay sa harapan ng kanyang katawan, na ayon sa defense lawyer ni Flores, ay nagawa ni Saenz nang ilang beses nang hindi siya nahihirapan. Sinabi rin nila na si Saenz ay na-taser ng limang beses sa araw na iyon, at hindi siya naapektuhan.

Malakas na nag-struggle si Saenz, na tumulak paalis sa bangketa at napilit na mapaatras ang guard. Hinugot ni Flores ang kanyang baril, at nagpaputok ng isang round -- natamaan si Saenz sa likod, sa ilalim ng kanyang balikat. Sa autopsy ay makikitang tumama sa buto ang bala, at nag-ricochet papunta sa dibdib ni Saenz.

Nagsagawa ng CPR kay Saenz ang dalawang lalake, pero namatay siya sa ospital. Ayon sa pulis, high sa droga si Saenz, pero ayon sa toxicology report, walang ebidensiya ng droga bukod sa mga weightlifting supplements ang natagpuan sa kanyang sistema. Pero isang compound sa kanyang sistema, ang DMMA, ang matatagpuan rin sa iilang mga supplements, at pati na rin sa street drug na bath salts.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended