NYC stripper credit card scam: binibigyan ng drugs, ninanakawan at bina-blackmail ang mga lalake!

  • 9 years ago
NYC stripper credit card scam: binibigyan ng drugs, ninanakawan at bina-blackmail ang mga lalake!


Credit card scam na isinagawa ng mga strippers, nagbigay ng 135,000-dollar hangover sa isang doktor sa New York!

Sina Samantha Barbush, Marsi Rosen, Roselyn Keo at Karina Pascucci ay naakusahan ng pag-drug sa mga mayayaman na lalake, at habang wala silang malay ay ginagamit ang kanilang mga credit card para gumastos ng malaki.

Heto ang kanilang scam: Pumupunta ang mga babae sa mga lounge bars at naghahanap ng mga target: mga mayayaman at lonely na lalake. Yayayain nila ang mga biktima na sumama sa kanila, sa mga gentleman's clubs, nang lulong sa ketamine, molly, at iba pang mga droga.

Kadalasan ay dinadala nila ang mga biktima sa Roundhouse sa Queens. Sa mga private rooms magtatapos ang party para sa mga lalake, habang magsisimula palang na mag-enjoy ang mga babae.

Sa tulong ng may-ari ng club, ginagamit ng mga babae ang credit card ng mga lalake, para gumastos ng napakalaking halaga.

Si Dr. Zyad Younan, isang cardiologist sa Johnson University Hospital, ay nanakawan diumano ng 135,000 dollars.

Ang mga biktima ay nagigising kinabukasan, sa mga random na lugar, at pinadadalhan sila ng mga text messages na may kasamang blackmail.

Nakilala na ng mga imbestigador ang apat na biktima mula pa noong isang taon, pero naniniwala silang may mga biktimang hindi pa nagre-report sa pulis.

Kung ang tanging alaala ninyo tungkol sa gabing nagpunta kayo sa New York ay ang mukhang ito, i-check niyo na muna ang inyong credit card statement. Mahirap na!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended