Scary Statistics: School shootings sa US, may isa sa bawat linggo na may pasok sa eskuwelahan!
  • 9 years ago
Scary Statistics: School shootings sa US, may isa sa bawat linggo na may pasok sa eskuwelahan!


Ito ang bagong normal sa US: para sa bawat linggo na may pasok sa eskuwelahan, ay mayroong at least isang school shooting.

Seventy-four -- iyan ang bilang ng mga shootings na nangyari sa mga eskuwelahan sa US, mula noong December 14, 2012, ayon sa gun reform group na Everytown for Gun Safety.

Sa araw na iyon, binaril ng 20-year-old na si Adam Lanza ang dalawampung bata at anim na teacher, sa Sandy hook Elementary School sa Newtown, Connecticut.

Mula December 2012, hanggang February 2014 lang, at nagkaroon ng at least apatnapu't apat na school shootings. Makikita sa mapang ito na ito ay isang problema para sa buong Estados Unidos.

Ang kadalasan at bilang ng mga massacres, suicides at drive-bys, na isinagawa ng mga estudyante at mga taong nawawala sa tamang pag-iisip ay nakaka-shock: mahigit isang shooting para sa bawat linggo na may pasom sa eskuwelahan. At mahigit kalahati ng mga ito ay nauwi sa at least isang homicide.

Sa mga shootings na nalalaman natin kung saan nanggaling ang mga baril ng mga shooters, mahigit kalahati ay nanggaling sa sarili nilang mga bahay.

Ang katotohanan ay walang nagawa tungkol sa gun reform ang Obama administration. At ito ang sinabi ni Obama sa isang web forum itong linggo: "This is not acceptable, this is not normal ... we're the only developed country on Earth where this happens and it happens now once a week and it's a one-day story."

Kung susndan natin ang statistics, may isa na namang shooting na magaganap, walong araw matapos nating mapanood ang video na ito.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended