Elevator sa Chile, umakyat ng 30 floors sa loob ng 15 seconds, bago nag-crash sa bubong ng building!

  • 9 years ago
Elevator sa Chile, umakyat ng 30 floors sa loob ng 15 seconds, bago nag-crash sa bubong ng building!


Elevator, inakyat ang 30 floors sa loob ng labinlimang segundo; nag-crash sa bubong, at nasaktan ang isang lalake.

Isang Chilean na lalake ang seryosong nasaktan nang nasira ang isang elevator, at mabilis na sumugod mula sa first floor hanggang sa 31st floor, bago ito nag-crash sa bubong ng building.

Punasok si Jose Vergara Acevedo sa elevator sa first floor ng isang apartment complex sa Bustamante Community Park, sa Providencia, noong Biyernes.

Nagsimulang umakyat ang elevator, bago pa magsara ang mga pinto.

Makikitang pinipindot ni Acevedo ang control panel sa loob ng elevator, pero walang nangyari.

Umakyat ang elevator nang 30 floors sa loob lang ng labinlimang segundo. Pag-abot nito sa 31st floor, ay nag-crash ito sa bubong ng building.

Nagkaroon ng pinsala si Acevedo sa kanyang ulo at paa. Mukhang walong buwan pa lang na umaandar ang elevator, na nasa Tower B building ng apartment complex.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH