Six-time Olympic gold medalist Amy Van Dyken Rouen, naputol ang spine sa isang ATV accident!

  • 9 years ago
Olympic swimming champ, naputol ang spine sa isang ATV crash!

Ang six-time Olympic gold medalist na si Amy Van Dyken Rouen ay nasa intensive care unit, matapos maputol ang kanyang spine sa isang ATV accident sa Show Low, Arizona, noong Biyernes.

Nangyari ang aksidente sa Torreon Golf Club parking lot.
Ang asawa ni Amy -- ang dating Denver Broncos punter na si Tom Rouen -- ay pinalitan ang throttle mechanism sa ATV kamakailan, at ang thumb accelerator ay naging twist accelerator.

Ayon kay Rouen, hindi siya sigurado kung ang pagpalit ng accelerator ang dahilan ng aksidente, pero ang nangyari ay nag-accelerate ang ATV, na napatalon sa bangketa sa isang parking lot, at napalipad si Amy sa ere.

Pagbagsak ni Amy, naputol ang kanyang spinal cord sa T1c1 vertebrae, at may maliit na piraso mula sa vertebrae ang muntikan nang mabutas ang kanyang aorta.

Tumawag sa 911 ang isang witness, at si Amy ay nasugod sa ICU sa Scottsdale Healthcare Osborn Medical Center. Siya ay nakalista sa 'good condition,' pero nawalan daw siya ng pakiramdam sa kanyang mga paa.




For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended