Batang babae, niligtas ang buhay ng kanyang ama, sa pamamagitan ng Facebook!

  • 9 years ago
Batang babae, niligtas ang buhay ng kanyang ama, sa pamamagitan ng Facebook!


Babae, niligtas ang kanyang ama mula sa nahulog na puno, dahil sa isang bagyo -- sa pamamagitan ng pag-post ng video sa Facebook!

Ang mabilis na pag-isip ni Brianna Vance ang nakaligtas sa buhay ng kanyang ama, at dalawa nitong kaibigan, matapos silang madaganan ng puno na nahulog dahil sa malakas na bagyo.

Logan County, West Virginia. Nagfe-Facebook si Brianna gamit ang kanyang iPhone, habang nasa labas ng bahay ang kanyang ama, kasama ang dalawang kaibigan, nang biglang bumagyo.

Natamaan ng kidlat ang isang puno, at natamaan nito ang mga lalake; naipit sa ilalim ng puno ang ama ni Brianna.

Wala silang landline, at hindi sila makatawag gamit ang cellphone, pero nagkaroon ng ideya si Brianna: ginamit niya ang Facebook para mag-post ng mensahe at humingi ng tulong...at may nagtawag ng 911 para sa kanya!

Ang ama ni Brianna na si Gregory ay nabalian ng dalawang buto, pero nagpapagaling na siya sa bahay. Sabi niya, ang pagligtas sa kanya ni Brianna ang pinakamabuting regalo itong Father's Day!





For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended