Dating police officer na mahilig sa S&M, suspect ng double homicide sa Wisconsin!

  • 9 years ago
Dating police officer na may bondage fetish, naaresto para sa double homicide!

Isang dating police officer sa Milwaukee, Wisconsin, ang naaresto bilang prime suspect sa imbestigasyon ng isang double murder.

Si Steven Zelich, na nag-retire mula sa West Allis Wisconsin police noong 2001, ay nagta-trabaho bilang isang licensed security guard. Siya rin ay may website, kung saan nagbibigay siya ng libreng legal advice. Mahilig rin siya sa mga bondage at S&M na websites.

Ayon sa mga imbestigador, isa sa mga S&M sites na ito ang nag-connect kay Zelich sa 37-year-old na si Laura Simonson, mula sa Minnesota. Ini-report siyang nawawala ng kanyang pamilya, noong November 2013, na panahon rin ng pagkikita nila ni Zelich.

June 5, 2014. Isang Wisconsin DOT worker ang ginugupit ang damo sa tabi ng kalsada sa Geneva, na nasa gitna ng Chicago at Milwaukee. Nakita niya ang dalawang abandoned suitcase at tinawag niya ang pulis. Pagdating ng pulis, natagpuan nila ang dalawang katawan sa loob ng dalawang suitcase. Isa sa kanila si Laura Simonson. Ang isa ay hindi pa nakikilala, pero umaasa ang pulis na magkaroon ng leads sa pamamagitan ng isang sketch.

Nagdagsaan ang mga pulis sa apartment ni Zelich sa West Allis, kung saan inalis na nila ang iilang mga kagamitan. Sangkot na ngayon sa kasong ito ang mga awtoridad ng Minnesota, na gustong malaman kung isa o dalawang babae ang napatay sa iisang estado.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended