Mumtaz Begum: ang half-fox, half-human na manghuhula sa Pakistan!

  • 9 years ago
Ang babaeng ito ay tinatawag na Foxy Lady...pero hindi gaya ng iyong nai-imagine!

Alam niyo ba kung sino ang misteryosong Fox-Lady Mumtaz Begum?

Kung hindi niyo siya kilala, malamang ay dahil never pa kayong nakapunta sa Pakistan...pero kung kayo ay mapunta sa Karachi, ang Foxy Lady na ito ay sikat na sikat!

Ayon sa kanya, ang mga taong dumadalaw sa kanya ay umaalis nang masaya. At dahil alam niyang masaya sila, masaya din siya. May pagmamahal daw sa pagitan niya at ng kanyang mga bisita. Life is too short, sabi niya, kaya dapat palagi tayong masaya.

Ang fortune telling exhibit na ito ay hit na hit sa mga bata't matanda. Ayon sa isang sixth grader, masayang-masaya siya ay nagpunta siya doon, dahil napakaganda raw ng kanilang pag-uusap. Ayon sa isang worker, noong bata siya ay napanood na niya ang exhibit na ito, kaya ngayon ay dinala niya ang kanyang mga apo, para ma-enjoy rin nila ito. Mas lalong gumanda daw ang show, na mas ikinatuwa niya ngayon kaysa noong siya ay bata.

Apatnapung taon nang nagbibigay ng kasayahan at pag-asa sa mga tao ang Foxy Lady, pero isang lalaking nagngangalang Murad Ali ang nasa likod ng misteryosong babaeng ito; labindalawang oras bawat araw na nagpapanggap na babaeng manghuhula si Ali, na namana mula sa kanyang ama ang kanyang trabaho.




Ang mga babae at bata ay tuwang-tuwa sa karakter na ito. Nagpupunta sila sa kanya, para panoorin at kausapin siya. Ito ay hindi lang isang maliit na parte ng isang malaking show; si Ali ay parang isang aktor na nagbibigay-buhay sa karakter at ine-entertain ang mga tao.

Si Mumtaz ay naging permanent exhibit, matapos ma-setup ang attraction sa lugar na iyon, apatnapung taon nang nakalipas. Mula pa noong umpisa, ay lalake na ang nagbibigay-buhay sa karakter na ito, dahil daw mas marunong silang sumagot sa mga taong nangha-harass sa kanya.

Isang ticket para makita si Mumtaz ay nasa 10 cents US lamang. Kung kayo ay mapadpad sa Karachi balang-araw, huwag nang magtipid at puntahan na si Foxy Lady. At pakibalitaan po kami!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended