Nigerian singer Adokiye, gustong ibigay ang kanyang virginity kapalit ng mga kidnapped schoolgirls!
  • 9 years ago
Nigerian singer Adokiye, gustong ibigay ang kanyang virginity para maligtas ang mga kidnapped schoolgirls!

Nigerian singer, ipamimigay ang kanyang virginity, maibalik lang ang mga na-kidnap na mga babae.

Ipamimigay daw ng Nigerian singer na si Adokiye ang kanyang virginity, kapalit ng kalayaan ng dalawang daang schoolgirls na kinindnap ng Islamist militant group na Boko Haram.

Sabi niya, "napaka-unfair. Masyado silang bata. Gusto kong ipamigay ang aking sarili kapalit sa kanila."

Pero imbes na matuwa sa kanya ang mga tao, pinintasan ng mga taga-Africa ang kanyang offer bilang isang publicity stunt. Isa pa, walang naniniwala na siya ay isang virgin!

May nagsabi rin na itong si Adokiye Kyrian ay uhaw sa atensiyon at nakakainsulto ang kanyang ginagawa sa pagtawag ng buong mundo sa Boko Haram, ang hashtag na "Bring Back Our Girls."

Halos tatlong buwan na mula nang kinidnap ng Boko Haram ang mahigit tatlong daang babae mula sa northern Nigeria.

Sinabi rin ng 23-year-old na si Adokiye na ang taong kukuha ng kanyang virginity, ay kailangan ring bilhan ang kanyang ina ng isang private jet.


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH
Recommended