Bon Jovi, kaaway ng Buffalo, dahil gusto niyang ilipat ang Buffalo Bills sa Canada!

  • 9 years ago
Bon Jovi, nakisama sa mga taga-Canada – at ginalit ang mga Buffalo Bills fans at football legends!

Ang pagkakaalam namin ay hinding-hindi magpe-perform sa Buffalo si Bon Jovi – kaya isang okay na lugar ang Buffalo para sa mfa Bon Jovi haters!

Ang rock legend na si Jon Bon Jovi ay nagkukulang sa mga fans sa Buffalo. Iyan ay dahil nakipag-team-up si Bon Jovi sa isang grupong Canadians, na gustong ilipat ang Buffalo Bills team sa Toronto.

Ang dating Bills receiver na si Andre Reed ay nagbitaw ng mabibigat na salita laban kay Bon Jovi, sa isang New York Magazine interview kamakailan…

Sabi niya: “Eff Bon Jovi. Kunin na lang din niya ang buong siudad ng Buffalo, itapon ito sa ilog, at hayaan na itong mahulog sa Niagara Falls.”

Sinabi naman ni Bon Jovi na hindi niya ililipat sa Canada ang football team ng Buffalo. Pero ang problema ay hindi niya ito maipapangako, dahil hindi lang naman siya ang may sapat na pera para gawin ito.

Naiinis ang mga fans…dahil posibleng mangyari na kapag gusto nilang panooring maglaro ang Bills, pupunta pa sila sa Toronto!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended