Australian billionaire Clive Palmer, nagbitaw ng racist na salita laban sa Chinese!

  • 9 years ago
Australian billionaire Clive Palmer, naglabas ng sama ng loob – ang ng kanyang pagiging racist – laban sa China!

Si Clive Palmer, na isang Australian politician at may-ari ng Mineralogy, ay nagbitaw ng mabibigat na salita laban sa Chinese government sa isang live interview noong Lunes.

Ayon sa kanya, ang mga Chinese communist ‘mongrels’ na ito ay binabaril ang sarili nilang mga tao, wala silang justice system, at gusto nilang sakupin ang Australia!

Pagkatapos, ay ipinaliwanag niya na ang kanyang sinasabi ay para sa Citic Pacific – isang Chinese na kompanya na kasalukuyan niyang kasangkot sa isang hindi pagkakaunawaan. Ang kanyang mga sinabi ay hindi para sa lahat ng mga Chinese.

Ayon kay Palmer, may utang sa kanya ang Chinese government sa halagang 500 million Australian dollars.

Nagmimina din daw ng bakal ng mineral ang mga Chinese sa Australia, nang hindi nagbabayad.

Pero ayon sa Treasurer ng Australia na si Joe Hockey, ang speech ni Palmer ay nakakasira sa Australia.

Ayon sa foreign minister ng Australia na si Julie Bishop, ang mga sinabi ni Palmer ay ‘offensive, unnecessary at unacceptable’ para sa isang parliament member.

Maging ang mga Australian citizens ay hindi sumang-ayon kay Palmer, na tinawag nilang ‘racist douchenozzle.’


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended