Babae, binugbog ang nakatatandang lalake na inututan ang kanyang mukha!

  • 9 years ago
Isang babae sa South Carolina, binugbog ang isang nakatatandang lalake – dahil umutot ang lalake sa mukha ng babae!

Advice lang sa lahat: kung ayaw niyong mabugbog, huwag kayong uutot sa harap ng mga tao, lalo na sa harap ng Myrtle Beach resident na si Jessica Cerney.

Ang 34-year-old na babae ay natutulog diumano sa kanyang sopa, Lunes ng gabi, nang ang lasing na si Darren McKnight ay pumasok sa bahay ni Cerney…at inututan sa mukha ang babae!

Mukhang super deadly ang utot ni McKnight, dahil nagising si Cerney, na tumakbo para makatakas sa napakasamang amoy!

Sinundan siyang palabas ni McKnight, at nag-away ang dalawa dahil sa utot…

At nagkaroon ng namamagang mata ang matandang lalake, matapos siyang masuntok ng tatlong beses sa mukha.

Iyan kasi. Kung uutot ka rin lang sa harap ng taong hindi mo kilala, medyo distansiyahin mo naman ang diskarte, at huwag sa mukha!


For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended