Philadelphia Eagles running back LeSean McCoy - kuripot daw???

  • 9 years ago
Si LeSean McCoy ba ay isang kuripot???

Hindi natuwa ang may-ari ng burger joint na PYT sa Philadelphia, nang ang Eagles running back na si LeSean McCoy ay nag-iwan ng 20-cent tip nang binayaran niya ang kanyang 60-dollar-bill.

Kaya pinost niya ang resibo sa Facebook.

Kung balak niyang pahiyain ang football player, bumaligtad sa kanya ang kanyang plano.

Heto ang mga pinaka-popular na comments sa kanyang Facebook post:

“Minsan akong nag-serve kay LeSean McCoy at maayos naman siyang mag-tip.”

“Ang pag-post nito ay hindi mabuti, at napaka-unprofessional. Binasa mo na ba ang Yelp page mo?”

Ang PYT ay may three out of five stars na rating sa Yelp.

At hindi dahil siya ay pro football player, ay ibig sabihin na kahit hindi siya kuntento sa service ay dapat na mag-tip ng malaki si McCoy.



For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH

Recommended